Siklista


Bakit ka nag bibisikleta? Anong makukuha mo sa pagbabike? Pagod? Ganyan madalas ang tinatanong ng mga tao sa akin pero ang sagot kolang sa kanila ay ngiti lamang dahil di naman maiintindihan ng iba siguro ang ibang tao oo pero yung Iba hindi dahil di talaga ako mahilig magpaliwanag. Siguro maraming nagtataka kung bakit ako bike ng bike kahit ang itim itim ko na pero para sakin ay ayus lang dahil malaya akong nakakarating kahit saang lugar na magandang tanawin. 

Ang nasalarawan nayan ay ako mismo kasama ko ang mga kaibigan ko jan kahit na mahirap mag bike ay nag-eenjoy naman ako dahil marami kaming magbibike. Sa aking karanasan sa pag bibilikleta ay masaya ngunit nakakapagod pumidal pero di nakakasawa, kahit na masiraan ka ng bike ay may mga kasamahan kang tutulong para sayo dahil walang iwanan.
Kung malayo ang pupuntahan naman ay kailangan ng gumising 4 am or 5 am para makarating ng maaga, maghihintayan kahit anong oras pero walang iwanan dahil sabay sabay kaming makakapunta sa paroroonan
kahit maiwan ang iba sa aming kasamahan ay hinihintay namin.

Sa buhay, maraming mga bagay na kailangan lang namin gawin. Walang explanasyon kung bakit mahalaga ang mga ito sa amin. Para sa akin, ang mga ito ay ang nagbibigay ng sarap at laman sa ating buhay. Sa aking unang pagbibisikleta niyaya ako ng aking kaibigan ang kaninang pangalan ay Jordan. Nung nag bisikleta na kami papuntang San Mateo Rizal, Naaalala ko pa non na hirap na hirap akong magbike dahil kulang ako sa ehersisyo pero pinalakas niya ang loob ko dahil ang sabi nya ay sa una lang daw yun at nung pagkatapos non ay nag ehersisyo na ko para hindi na ako mahirapan at dahil don pinasalamatan ko sya. Tuloy-tuloy ang aking pag babike hanggang sa dumami ang kakilala ko at kaibigan dahil sa pagbibisikleta, kada araw ng sabado o linggo ay nag seset sila ng lugar na pupuntahan namin.

Dumating ang araw ng nasiraan ako sa daan pero wala akong dalang gamit o pang ayus ng flat na gulong, laking pasalamat ko ng maraming tumulong sakin para mag ayus dahil wala talaga akong alam tungkol sa pag aayus ng sirang bagay.

Ang lugar ng nasa larawan jan ay sa Cavite, pumunta kami non papuntang Cavite para maligo sa dagat ang saya saya ko non dahil marami kami siguro nasa tatlongput lima kami non, yun na siguro ang unang ligo ko ng dagat simula ng bata pa ako. Ang saya saya namin non dahil libre pa ang pag kain at pwesto, ang mga kasama ko non ay ang mga kaibigan ko at ang grupo ng RGP sa bike. At ayun naglaro laro kami sa tubig, naghabol-habulan kami sa dagat at ang larong yun ay mata mataya at dahil don naranasan ko ang pulikat sa paa mahirapan natalaga ko non dahil nanigas ang mga binti ko buti nalang tinulungan ako ng mga kaibigan ko. At pag dating ng oras ng 4 pm ay umuwi na kami, hanggang sa pag uwi ay nagtatawanan kami dahil may kasama kaming nagpapatawa. Pag may nakakasalubong kaming kapwa siklista ay kinakawayan namin bilang paggalang o pagbati ganon kaming mga siklista. 

Dumating rin ang araw na muntik na akong mahulog sa bangin palusong kasi yung dinadaanan namin at napakatarik ng dadaan, buti nalang nakakapit ako sa sanga ng puno laking pasalamat ko di ako nahulog sa bangin kung nahulog ako non baka wala na ako sa mundong Ito marami pa naman akong pangarap. Nakakapanghina talaga ng loob iyon dahil konting mali kolang buhay ko na ang kapalit, ang nakakita lang sakin non ay ang mga kasama ko lang hindi kona iyon sinabi sa magbilang ko dahil baka di na ko makasama. Dumating sa punto na parang ayaw ko na magbike pero marami paring nangungumbinsi sa akin pero lagi na nilang sinasabi na mag ingat ako o sila ganon kaming lahat di nawawala ang salitang ingat. 

Isa rin Ito sa dahilan kung bakit ako nag babike, ang pag babike ay ehersisyo rin Ito ay nagpapalakas ng katawan at malayo sa sakit kaya ako ay nag ehersisyo dahil upang mapalusog ang aking katawan ganon din ang aking mga kaibigan. Sobrang dami ng benepisyo na makukuha sa pagba-bike. Kung napagiisip-isip ko na mag-bike, at naikukumpara ko ito sa iba pang mga activities na pwede kong gawin at minsan ang pag ba bike ay ginagawa ko ring libangan kung may mga problema ako pumunta ako sa mga bahay ng kaibigan ko o magandang tanawin gamit ang bike ko upang mabawasan ako stress ko o init ng ulo. 

Gusto ko ring mahikayat ang iba ko pang mga kaibigan na magbike narin para mas masaya at makapunta sila sa iba't ibang lugar may Isa na akong mahikayat na sumama sa akin yun ay si Luigi o sa palayaw ay Biboy yun Kasi ang tawag ko sa kanya. Kaya nung una ko syang nakasama ay nahirapan sya kaya tinulungan ko sya sa paakyatat tinulak ko sya at di ko sya iniwan dahil nangako ako sa kanya na diko sya iiwan. Marami kami non na nag bike mga lagpas sampo naligo rin kami sa Norzagaray Bakas. Marami ang naliligo non dahil summer iyon kaya kompleto rin kami sa pagkain ang saya namin dahil ang linaw ng tubig siguro pwedi iyong inumin dahil sa linaw ng tubig, Tumalon tkami sa taas ng bato papuntang tubig napakasarap sa pakiramdam.

Pangarap ko rin na makasali sa karera ng bisikleta dahil di ko pa nararanasan iyon, halos lahat ng kaibigan ko sa pag ba babike ay ayun din ang pangarap at maganda pang bike na pangkarera.

Habang ako'y malakas pa at bata pa ang aking pangangatawan ako'y mag ba bike at mag papraktis upang lumakas at tutulungan ko rin ang mga nagsisimula pa lamang. Mahal ko ang isport na Ito, di ko makakalimutan ang mga nakakasama ko, kulitan, asaran at ang mga magandang tanawin na nakita ko. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa tatay ko dahil binilhan niya ako ng bike at sa pag supports sakin kahit san ako pumunta.